MANILA, Philippines – Sa pangunguna nina Roger Federer at Ana Ivanovic, magiging paborito ang UAE Royals para sa darating na International Premier Tennis League (IPTL) na nakatakda sa Dec. 2 sa Japan.
Ipinakita sa pinakamalaking sports website sa India, ang Sportskeeda o SK, ang mga numero na nagtataas sa UAE Royals sa star-studded team event na naglalatag ng top prize na $1 million.
Bukod kina Federer at Ivanovic, tinulungan ang Indian Aces na kunin ang inaugural IPTL noong nakaraang taon, ipaparada rin ng UAE Royals sina Goran Ivanisevic, Marin Cilic, Daniel Nestor, Kristina Mladenovic at Tomas Berdych.
Sa pinagsamang 34 Grand Slam titles sa mga players ng UAE Royals, ang 17 dito ay kay Federer.
Si Ivanovic ang 2008 French Open champion, habang si Ivanisevic ang 2001 Wimbledon winner at si Cilic ang 2014 US Open titlist.
May kabuuang 34 Grand Slam titles din ang Philippine Mavericks na pamumunuan ni Williams na may 21 singles at 15 doubles crowns.
Ang Japanese Warriors, pamununuan ni Maria Sharapova, ay may 28 Grand Slam titles kasunod ang Indian Aces ni Rafael Nadal na may 22 at ang Singapore Slammers ni Novak Djokovic na may 12.
Ang Japan Warriors at Indian Aces ay may tig-apat na Grand Slam champions at may tig-tatlo naman ang Philippine Mavericks at Singapore Slammers