^

PSN Palaro

Cavs itinumba ang Hawks; Heat lusot sa 76ers

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND – Tumipa si forward Kevin Love ng season-high 25 points at nagdagdag naman si LeBron James ng 19 markers at pinatiklop ng Cavaliers ang  At­lanta Hawks, 109-97 noong Sabado sa NBA.

Nag-ambag si J.R. Smith ng 15 points habang humakot si Tristan Thompson ng season high na 16 rebounds.

Ito ang unang pagtatagpo ng Cavaliers at ng Hawks matapos walisin ng Cleveland ang Atlanta sa nakaraang Eastern Conference finals.

At muling ipinakita ng Cavaliers ang kanilang dominasyon sa Hawks.

Kinuha ng Cavaliers ang 10-point lead bago ibaon ang Hawks sa 57-40 sa dulo ng second period.

Napatalsik sa laro si Hawks coach Mike Budenholzer sa second quarter matapos banggain ang referee.

Umiskor naman sina Kyle Korver at Paul Millsap ng tig-14 points sa panig ng Atlanta, naipatalo ang apat sa huli nilang limang laro.

Nagbalik sa aksyon si guard Jeff Teague matapos ang dalawang laro bunga ng sprained left ankle at nagtala ng 13 points para sa Hawks.

Sa Miami, tumapos si Dwyane Wade na may 27 points, habang isinalpak ni Justise Winslow ang isang tip-in sa huling 27 segundo para itakas ang Heat laban sa Philadelphia 76ers, 96-91.

Sa kasalukuyan ay may 19,017 points si Wade para lumagay sa No. 49 sa NBA career list makaraang ungusan sina Dale Ellis (19,004) at Reggie Theus (19,015).

Mula sa 17-points deficit, naghabol ang Heat ng isang 19-2 atake ang ginawa ng Miami para balikan ang Philadelphia patungo sa kanilang panalo.

ANG

DALE ELLIS

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

JEFF TEAGUE

JUSTISE WINSLOW

KEVIN LOVE

KYLE KORVER

MIKE BUDENHOLZER

PAUL MILLSAP

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with