^

PSN Palaro

Philips, Cignal sasalang para sa 3rd place

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Imus Sports Center,

Imus City, Cavite)

1 p.m.  Philips Gold

vs Cignal

3 p.m. RC Cola-Air Force vs Meralco

 

MANILA, Philippines – Dahil nabigo sa ka­nilang mga do-or-die semifinals matches kamakalawa ay tatargetin na lamang ng Philips Gold at Cignal ang third place trophy.

Sasagupain ng Lady Slammers ang HD Spikers ngayong ala-1 ng hapon sa classification phase ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa Imus Sports Center.

Tumayong No. 1 team ang Philips Gold matapos ang double-round eliminations bago pinatumba ng Foton, 25-18, 26-24, 25-20, 15-8, sa kanilang do-or-die semifinals.

Dinaig naman ng nagdedepensang Petron ang Cignal, 25-20, 26-24, 20-25, 25-13 sa isa pang semi­finals match.

Maglalaban ang Blaze Spikers at Tornadoes sa best-of-three championship series sa Lunes.

“It was such a sorry loss,” sabi ni Lady Slammers’ coach Francis Vicente.

Sina imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard bukod pa kina Filipino-American setter Lindsay Dowd, Myla Pablo, Michelle Gumabao at libero Mel Gohing ang muling ibabandera ng Philips Gold.

Sa alas-3 ng hapon ay paglalabanan naman ng RC Cola-Air Force Raiders at Meralco Power Spikers ang fifth place trophy sa inter-club tournament na inihahandog ng Asics at suportado ng Milo, Senoh, Mueller at Mikasa bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ANG

BLAZE SPIKERS

BOJANA TODOROVIC

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

IMUS SPORTS CENTER

LADY SLAMMERS

PHILIPS GOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with