^

PSN Palaro

Good and bad

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Lantad ang malaking pagkakaiba nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa sarili nilang mga kilos nung mga nakaraang araw.

Si Pacquiao ay nasa bakasyon kasama ng kan­yang pamilya at mga kaibigan. Mula sa Dubai, tumungo sila sa Greece bago lumipad papuntang Israel.

Hanggang ngayon ay nasa Israel pa sila, binibisita ang mga makasaysayang lugar sa Holy Land. Relihiyoso si Pacquiao kaya gustong-gusto niya sa Israel.

Dito nga niya pinangalan ang kanyang bunsong anak-- si Israel.

Habang nasa Dubai, naglaro si Pacquiao ng PBA game at nag-attend ng isang charity event para sa mga cancer patients.

Niyakap ng mga bata sa stage si Pacquiao.

Malambot ang puso ng ating Pambansang Kamao. Naantig at bago umalis ay nag-abot ng tseke sa mga organizers ng charity event.

Yun daw ang tulong niya sa cancer patients sa Dubai.

Si Mayweather naman ay panay din ang pasyal, sakay ng kanyang private jet at magagarbong kotse. Gintong kwintas ang nakasabit sa leeg.

Sa isang video na siya mismo ang nag-post sa internet, pinakita si Floyd sa isang party sa kanyang mansion.

Naghahagis ng salapi sa camera habang nasa harapan niya ay isang grupo ng babae na halos wala nang saplot sa katawan at nagsasayawan.

Ewan ko lang kung ano pa ang nangyari sa loob ng kwarto na yun.

Ayon kay Mayweather ay pasado alas-singko na ng umaga ng kunan ang video. Yun daw ang klase ng kanyang “house party.”

Wala naman masama mag-party. Pero kung ganun klaseng party ay hindi na siguro dapat ipakita sa buong mundo.

Pero yun ang style niya eh.

Iba ang kay Manny.

Ang tseke pala na iniwan niya sa Dubai ay nagkakahalaga ng $50,000.

ANG

DUBAI

FLOYD MAYWEATHER JR.

HOLY LAND

MGA

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

PERO

SI MAYWEATHER

SI PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with