MANILA, Philippines – Isang kapana-panabik na semifinals matches ang matutunghayan sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix bukas sa The Arena sa San Juan.
Ito ay dahil sa paghaharap ng bigating Philips Gold at ng Foton at ang bakbakan ng nagdedepensang Petron at Cignal sa dalawang pares ng knockout games.
Dahil sa kanilang intact lineup at mahuhusay na imports sa katauhan nina Americans Bojana Todorovic at Alexis Olgard ay lubhang kinatakutan ang Lady Slammers.
Nagtala ng 8-2 record ang Philips Gold sa double-round eliminations para angkinin ang No. 1 seat kasunod ang Petron (7-3).
Ngunit hindi sila dapat magkumpiyansa sa Foton na naunang tumalo sa kanila, 25-14, 25-22, 18-25, 25-18, noong Nobyembre 5.
Nauna namang nagposte ang Blaze Spikers ng five-game winning streak bago natalo sa Lady Slammers sa huling araw ng preliminaries.
Pinadapa ng Cignal ang Petron, 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14, noong Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.