Laro Bukas (The Arena, San Juan)
4 pm. Philips Gold vs Petron
6 p.m. Cignal vs Meralco
LIPA CITY, Philippines – Gumawa ng adjustment sa kanilang atake ang nagdedepensang Petron para kunin ang 27-25, 25-23, 25-16 panalo laban sa Foton at makisosyo sa liderato ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon dito sa De La Salle-Lipa Sentrum.
Humugot ng lakas ang Blaze Spikers sa kanilang malalim na depensa para sa panalo sa inter-club tourney na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo with Senoh, Mueller at Mikasa bilang technical partners at ang TV5 bilang official broadcaster.
Nagtuwang sina Maica Morada, Frances Molina at Brazilian import Rupia Inck para sa Petron na sasagupain ang Philips Gold sa huling araw ng elims bukas.
Magkasalo sa liderato ang Blaze Spikers at ang Lady Slammers sa magkatulad nilang 7-2 record at ang mananalo ang makakasikwat sa top seeding para labanan ang fourth seed sa do-or-die semifinals sa susunod na linggo.
May 6-4 baraha naman ang Foton at makukuha ang fourth spot kung mananalo ang Cignal (6-3) kontra sa Meralco bukas.
Tinapos ng Blaze Spikers ang five-game winning run ng Tornadoes.