Laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. FEU vs La Salle
MANILA, Philippines – Hindi pa rin matatawaran ang puso ng isang kampeon.
Inangkin ng nagdedepensang National University ang isang playoff para sa No. 4 seat sa Final Four nang ungusan ang Far Eastern University, 70-68, sa second round ng 78th UAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagsalpak si veteran guard Gelo Alolino ng isang krusyal na jumper sa huling 33.5 segundo ng final canto para sa panalo ng Bulldogs kontra sa Tamaraws.
Itinaas ng NU ang kanilang baraha sa 7-7 sa ilalim ng University of Sto. Tomas (11-3), FEU (10-3) at Ateneo (9-5) kasunod ang La Salle (6-7) at mga sibak nang University of the East (5-8), University of the Philippines (3-10) at Adamson University (3-11).
Kung matatalo ang Archers sa Tamaraws sa Miyerkules ay ganap nang makakamit ng Bulldogs ang No. 4 seat sa Final Four kung saan nila lalabanan ang No. 1 Tigers.
Bagama’t natalo ay nakuha pa rin ng FEU ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive, taglay din ng UST sa pagsagupa sa No. 4 team, bunga ng 69-74 kabiguan ng Ateneo sa UE sa unang laro.
Ang panalo ay ‘di naging sapat para tuluyan nang namaalam ang Red Warriors sa liga.
Nagtuwang sina Chris Javier at Clark Derige sa pinasabog na 15-5 atake sa fourth quarter para ibigay sa UE ang pang-limang panalo kasabay ng pagpigil sa five-game winning run ng Ateneo.
UE 74 - Derige 17, Javier 13, De Leon 10, Batiller 9, Yu 8, P. Varilla 7, Palma 6, Charcos 4, J. Varilla 0, Cudal 0.
Ateneo 69 - Ravena 28, Pessumal 10, Black 8, Wong 5, Ikeh 4, Capacio 4, Mi. Nieto 4, V. Tolentino 2, A. Tolentino 2, Babilonia 2, Gotladera 0.
Quarterscores: 21-15; 35-26; 53-51; 74-71.
NU 70 - Alolino 20, Aroga 16, Celda 9, Javillonar 9, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Neypes 2, Salim 2, Morido, Abatayo 0.
FEU 68 -Tolomia 23, Arong 10, Ru. Escoto 9, Pogoy 8, Belo 8, Tamsi 5, Ri. Escoto 2, Iñigo 2, Orizu 1, Eboña 0, S. Holmqvist 0, Trinidad 0.
Quarterscores: 14-17; 32-31; 51-50; 70-68.