^

PSN Palaro

Bulldogs sa playoff

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UE vs UP

4 p.m. FEU vs La Salle

MANILA, Philippines – Hindi pa rin matatawa­ran ang puso ng isang kampeon.

Inangkin ng nagdedepensang National University ang isang playoff para sa No. 4 seat sa Final Four nang ungusan ang Far Eastern University, 70-68, sa second round ng 78th UAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagsalpak si veteran guard Gelo Alolino ng isang krusyal na jumper sa huling 33.5 segundo ng final canto para sa panalo ng Bulldogs kontra sa Tamaraws.

Itinaas ng NU ang ka­nilang baraha sa 7-7 sa ilalim ng University of Sto. Tomas (11-3), FEU (10-3) at Ateneo (9-5) kasunod ang La Salle (6-7) at mga sibak nang University of the East (5-8), University of the Phi­lippines (3-10) at Adamson University (3-11).

Kung matatalo ang Archers sa Tamaraws sa Miyerkules ay ganap nang makakamit ng Bulldogs ang No. 4 seat sa Final Four kung saan nila lalaba­nan ang No. 1 Tigers.

Bagama’t natalo ay nakuha pa rin ng FEU ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive, taglay din ng UST sa pagsagupa sa No. 4 team, bunga ng 69-74 kabiguan ng Ateneo sa UE sa unang laro.

Ang panalo ay ‘di na­ging sapat para tuluyan nang namaalam ang Red Warriors sa liga.

Nagtuwang sina Chris Javier at Clark Derige sa pinasabog na 15-5 atake sa fourth quarter para ibi­gay sa UE ang pang-limang panalo kasabay ng pagpigil sa five-game winning run ng Ateneo.

UE 74 - Derige 17, Javier 13, De Leon 10, Batiller 9, Yu 8, P. Varilla 7, Palma 6, Charcos 4, J. Varilla 0, Cudal 0.

Ateneo 69 - Ravena 28, Pessumal 10, Black 8, Wong 5, Ikeh 4, Capacio 4, Mi. Nieto 4, V. Tolentino 2, A. Tolentino 2, Babilonia 2, Gotladera 0.

Quarterscores: 21-15; 35-26; 53-51; 74-71.

NU 70 - Alolino 20, Aroga 16, Celda 9, Javillonar 9, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Neypes 2, Salim 2, Morido, Abatayo 0.

FEU 68 -Tolomia 23, Arong 10, Ru. Escoto 9, Pogoy 8, Belo 8, Tamsi 5, Ri. Escoto 2, Iñigo 2, Orizu 1, Eboña 0, S. Holmqvist 0, Trinidad 0.

Quarterscores: 14-17; 32-31; 51-50; 70-68.

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

ANG

ATENEO

ATILDE

CHRIS JAVIER

CLARK DERIGE

DE LEON

FINAL FOUR

LA SALLE

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with