MANILA, Philippines – Tumatag pa ang pangarap ni Bobby Ray Parks Jr. na maging kauna-unahang Filipino na makapaglaro sa NBA nang nasama siya sa talaan ng Texas Legends na maglalaro sa NBA Developmental League.
Isusuot ang jersey number 15, si Parks ay kabilang sa 12 manlalaro na sasalang agad laban sa Austin Toros sa unang laro sa NBA D-League sa Cedar Park Center sa Texas.
Ang 6’4 guard ang naging unang Pinoy na nasama sa official team sa NBA D-League at ang isa pang pick ng koponan na si 7’2 Satnam Singh ay nasa roster din.
Si Japeth Aguilar ang unang Filipino na napili sa D-League Draft pero hindi siya nasama sa roster ng Santa Cruz Warriors.
Ang Texas Legends ay farm team ng Dallas Mavericks sa NBA at kung maganda ang ipakikita ng kaliweteng shooter na isang 2-time UAAP MVP sa National University ay maaari siyang kunin ngNBA team.
Napili bilang 25th overall sa NBA D-League Draft, nagpahaging na ang opisyal ng koponan na malaki ang tsansang mapabilang sa koponan si Parks.
“He’s a really good shoter. He’s very versatile, he can give you some minutes at the point, he can give you some minutes at shooting guard,” wika ni Byron Bogar ang Director of Player Programs ng Legends.
Si Parks ay sumali sa NBA Draft pero hindi pinansin.