^

PSN Palaro

Kobe lalaro na sa UCLA

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasasabik ang pamu­nuan ng University of California, Los Angeles (UCLA) sa paglalaro ni 6’6 Filipino basketball player Kobe Paras.

“We’re always looking for players who’ve grown up immersed in basketball, and Kobe definitely fits that mold,” wika ni UCLA coach Steve Alford sa website ng UCLA.

Ibinigay na ni  Paras  ang National Letters of Intent para tiyakin na mag-aaral siya sa UCLA Bruins sa 2016-17.

Bukod kay Paras, sina 6’10 Ike Anigbogu at 6’5  Lonzo Ball ay sa UCLA na rin mag-aaral at maglalaro.

Tinukoy ni Alford ang pagiging athletic ni Paras na magagamit nila lalo kapag open court ang laro.

“To add a talented player like Kobe to our program is terrific,” wika pa ni Alford. “He’s a very athletic guard who plays with tremendous energy. We like how he can attack off the dribble and get to the rim in the open court. We’re excited that he’ll be joining us in Westwood.”

Si Paras ay magtatapos ng high school sa Cathedral High School at naghatid siya ng 15 puntos average sa isang pre-season tournament.

Batak na sa laro ang 17-anyos na si Paras at lalo siyang nakilala nang kinuha ang slam dunk title sa 2013 at 2015 FIBA 3x3 Under-18 World Championship.

Kasalukuyang nagla­laro si Paras para sa Middlebrooks Academy Team.

vuukle comment

ACIRC

ALFORD

CATHEDRAL HIGH SCHOOL

IKE ANIGBOGU

KOBE

KOBE PARAS

LONZO BALL

LOS ANGELES

MIDDLEBROOKS ACADEMY TEAM

NATIONAL LETTERS OF INTENT

PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with