^

PSN Palaro

Wolves tinapos ang pananalasa ng Hawks

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA – Pinigilan ng Minnesota Timberwolves ang seven-game winning streak ng Atlanta Hawks matapos kunin ang 117-107 panalo para sa kanilang unang four-game road winning streak simula noong Jan. 3-19, 2009.

“It should tell you a lot,” sabi ni Andrew Wiggins. “We're focused in. We want to win. People don't think we're going to do anything this year. We want to surprise people.”

Dinuplika ni Wiggins ag career high sa pagpoposte ng 33 points.

Naisuko ng  Wolves ang itinalang 34-point lead bago nakabalik sa kanilang porma at talunin ang Hawks.

Hindi nakalamang ang Atlanta hanggang maisalpak ni Paul Millsap ang kanyang runner sa huling 3:26 minuto na nagbigay sa Hawks ng 107-106 abante.

Subalit nag-init si Wiggins nang tumipa ng pitong sunod na puntos para maiiwas ang Minnesota sa pina­kamalaking pagkulapso sa NBA history.

Umiskor si Jeff Teague na may 24 points at may 22 si Millsap para sa Hawks.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Indiana Pacers ang Orlando Magic, 94-84; binugbog ng Chicago Bulls ang Philadelphia 76ers, 111-88; tinakasan ng Denver Nuggets ang Portland Trail Blazers, 108-104 at dinaig ng San Antonio Spurs ang Sacramento Kings, 106-88.

ANDREW WIGGINS

ANG

ATLANTA HAWKS

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

INDIANA PACERS

JEFF TEAGUE

MINNESOTA TIMBERWOLVES

ORLANDO MAGIC

PAUL MILLSAP

PORTLAND TRAIL BLAZERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with