Bazemore nagbida sa panalo ng Hawks

ATLANTA – Mula sa malamyang panimula ay tinapos ng Atlanta Hawks ang laro sa isang malaking atake.

Humugot si Kent Bazemore ng 16 sa kanyang ca­reer-high na 25 points sa second half para tulungan ang Hawks sa 114-99 paggiba sa Washington Wizards at ku­­nin ang kanilang pang-pitong panalo.

Nagdagdag si Paul Millsap ng 21 points, 7 rebounds at 6 assists para sa Atlanta, habang nag-ambag si Al Horford ng 14 points at may 10 markers si guard Jeff Teague bukod pa sa kanyang 8 assists at 5 steals.

Matapos umiskor ng 41 points sa first half ay kuma­mada ang Hawks  ng 73 markers sa second half tampok ang pinakawalang 24-7 ratsada.

Ibinigay ng Wizards ang 33 points sa Hawks mula sa ka­nilang season-high na 26 turnovers.

Sa Sacramento, tumipa si Stephen Curry ng 21 sa kanyang 24 points sa se­cond half para igiya ang nag­dedepensang Golden State Warriors sa 103-94 pa­­nalo laban sa Kings.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 18 points ka­­sunod ang 14 ni Andre Iguodala at 13 ni Harrison Barnes para sa 7-0 record ng Warriors.

Sa Los Angeles, nagposte si James Harden ng season-high na 46 points pa­ra ihatid ang Houston Rockets sa 109-105 paggupo sa Los Angeles Clippers.

Nagsalpak si Harden ng 13-of-14 free throws at kumamada ng 5-of-10 clip sa 3-point range.

Show comments