Gin Kings nakamit ang unang panalo; Star Hotshots nakalusot

Inilusot ni Stanley Pringle ng Globalport ang kan­yang layup sa ilalim ng kilikili ni Mic Pennisi ng Barako Bull. Joven Cagande

MANILA, Philippines – Matapos ang Alaska, ang NLEX naman ang na­ka­lasap ng kanilang unang pagkatalo.

Ipinalasap ito ng Star Hot­shots nang lusutan ang Road Warriors, 97-95, sa 2015 PBA Philippine Cup ka­gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinigilan ng Star ang ha­ngad na ikatlong sunod na panalo ng NLEX.

Itinala ng Hotshots ang 19-point lead, 58-39, sa 7:47 minuto ng third period hanggang makalapit ang Road Warriors sa 92-94 mula sa dalawang free throws ni Asi Taulava sa huling 1:15 minuto ng fourth quarter.

Matapos ang basket ni Ian Sangalang na nagbigay sa Star ng 96-92 abante ay tumipa si Sean Anthony ng tatlong free throws para mu­ling idikit ang NLEX sa 95-96 sa nalalabing 11 se­­gundo.

Sa unang laro, ti­na­ka­­san ng Globalport ang Ba­­rako Bull sa overtime, 105-91, tampok ang 21 points ni Terrence Romeo.

Samantala, inangkin ng Barangay Ginebra ang una nilang panalo nang ungu­san ang Alaska, 93-92, no­ong Sabado sa Dubai, Uni­ted Arab Emirates.

Humakot si Greg Slaughter ng 27 points pa­ra sa panalo ng Ginebra.

Show comments