^

PSN Palaro

Wade pinag-init ang Heat, Wolves tinusta

Pilipino Star Ngayon

MINESOTA-- Noong nagsimulang pumasok ang mga binitiwang half-court shots, natiyak na ito ay isa uling gabi para kay Dwyane Wade.

Kumana ng game high 25 puntos si Wade habang ang katambal sa backcourt na si Goran Dragic ay may 18 pa at ang Miami Heat ay namayani sa Minnesota Timberwolves, 96-84.

Ito ang ikalimang laro ni Wade na umiskor siya ng 20 puntos pataas at ang kanyang 25 puntos ay ginawa sa ikalawang pagkakataon sa season.

Noong Oktubre 30 ay nagtala rin si Wade ng ganitong marka sa laro kontra sa Cleveland.

“What you see is the commitment of a player who has had to adopt with age,” wika ni Miami coach Eric Spoelstra sa beteranong guard.

Tumapos si Wade taglay ang 48.7 puntos at may 18-of-25 shooting sa free throw line.

May 16 puntos na si Wade sa first half sa 7-of-12 shooting  at ang 10-0 run na kanyang pinamunuan ang nagsantabi sa naunang malakas na panimula ng Timberwolves.

Ang mga bench pla­yers na sina Kevin Martin at Shabazz Muhammad ay naghatid ng 14 puntos para sa Minnesota na natalo sa ikalawang pagkakataon matapos ang apat na laro.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Chicago sa Oklahoma, 104-98; ang Charlotte sa Dallas, 108-94; at Utah sa Denver, 96-84.

ACIRC

ANG

DRAGIC

DWYANE WADE

ERIC SPOELSTRA

ITO

KEVIN MARTIN

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NOONG OKTUBRE

SHABAZZ MUHAMMAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with