Enforcers hihirit ng panalo sa Aces
STANDINGS | W | L |
Rain or Shine | 3 | 0 |
Alaska | 2 | 0 |
NLEX | 2 | 0 |
San Miguel | 2 | 1 |
Barako Bull | 1 | 1 |
Globalport | 1 | 1 |
Talk ‘N Text | 1 | 1 |
Star | 1 | 2 |
Blackwater | 1 | 2 |
Meralco | 0 | 2 |
Ginebra | 0 | 2 |
Mahindra | 0 | 2 |
Laro Ngayon (Dubai, UAE)
7 p.m. Mahindra vs Alaska
MANILA, Philippines – Matapos iskorin ang kanyang kauna-unahang fieldgoal, hangad naman ni playing coach Manny Pacquiao na maihatid sa panalo ang kanyang Mahindra.
Lalabanan ng Enforcers ang Alaska Aces ngayong alas-7 ng gabi (alas-12 ng gabi sa Manila) sa official game ng 2015 PBA Philippine Cup sa Al Wasl Stadium.
Itinala ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang kanyang unang fieldgoal bilang isang PBA player matapos magsalpak ng isang jumper laban kay Chris Tiu sa 94-108 pagyukod ng Mahindra sa Rain or Shine bago natalo sa Talk ‘N Text, 101-97.
Nauna nang dumating sa Dubai si Pacquiao noong Lunes.
Noong nakaraang season ay apat na bees lamang nakita sa aksyon ang 36-anyos na si ‘Pacman’ kung saan siya nagposte ng isang free throw, 2 rebounds at 1 assist.
Hangad naman ng Alaska ang kanilang pangatlong dikit na arangkada para makasosyo sa Rain or Shine sa liderato.
Ang unang dalawang naging biktima ng Aces ay ang Tropang Texters, 114-98 at ang Blackwater Elite, 87-79.
Sina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Vic Manuel, JVee Casio at Dondon Hontiveros ang muling ibabandera ng Alaska katapat sina at LA Revilla, Aldrech Ramos, Niño ‘KG’ Canaleta at rookie Bradwyn Guinto ng Mahindra.
Sa Sabado ay makakatapat ng Aces ang Ginebra Gin Kings sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng gabi sa Manila).
- Latest