^

PSN Palaro

PSL Grand Prix Lady Slammers, Tornadoes palalakasin ang laban sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsusukatan ang mga maiinit na koponan ng Phi­lips Gold Lady Slammers at Foton Tornadoes habang aakyat pa ang nagdedepensang kampeon Petron Lady Blaze Spikers sa pagbabalik ng aksyon ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayon sa The Arrena sa San Juan City.

May 4-1 karta ang Lady Slam­mers at bitbit ang apat na sunod na panalo habang ang Tornadoes ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro para sa 3-3 karta kaya’t ina­asahang magiging kapana-panabik ang tunggalian na magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon.

Tinalo ng Philips Gold ang Foton sa unang pagtutuos noong Oktubre 25 na inabot ng limang set, 25-18, 26-24, 22-25, 23-25, 15-13 at kung maulit ito ay lalakas ang laban ng koponan para sa unang puwesto patungong semifinals sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo bukod sa ayuda ng Mikasa, Senoh at Mueller na ipinalalabas sa TV5.

Kakamada para sa Foton ang mga imports na sina Kathleen Messing at Lindsay Stalzer bukod pa kina Kayla Williams at 6’5 Jaja Santiago habang ang Philips Gold ay aasa sa kanilang dalawang matatangkad at mahuhusay na American imports na sina Bojana Todorovic at Alexis Olgard.

Samantala, ikaanim na panalo matapos ang walong laro ang hanap ng Petron laban sa Meralco Power Spi­kers sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi.

May iniingatan na three-game winning streak ang Lady Blaze Spikers at patuloy nilang aasahan ang pagganda ng laro ni  Brazilian import Rupia Inck.

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ANG

BOJANA TODOROVIC

FOTON

FOTON TORNADOES

GOLD LADY SLAMMERS

GRAND PRIX

JAJA SANTIAGO

KATHLEEN MESSING

PHILIPS GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with