James umukit ng record sa panalo ng Cavs

Dumakdak si LeBron James ng Cavaliers sa harapan ni Nik Stauskas ng Sixers sa second half ng kanilang laban sa NBA.  

PHILADELPHIA — Isang simpleng slam dunk lamang ang kinailangan ni LeBron James para sa isa na namang karangalan para sa kanyang sarili.

Si James ang naging pinakabatang player na nagtala ng 25,000 career points matapos igiya ang Cleveland sa panalo laban sa Philadelphia, 107-100.

Tumapos si James na may 22 points, 11 assists at 9 rebounds at ibinangon ang Cavs sa pagkakalubog sa second half mula sa 15-point lead ng 76ers.

Iniskor ni James ang kanyang milestone basket mula sa isang alley-oop dunk sa 8:07 minuto sa fourth quarter.

Siya ang ikaanim na active player na nakapagtala ng 25,000 points at pang-20 sa kabuuan para samahan sina Dallas’ Dirk Nowitzki, San  Antonio’s Tim Duncan, Minnesota’s Kevin Garnett, Lakers’ Kobe  Bryant at Paul Pierce ng Clippers.

Ang naturang dunk ni James ang kanyang ika-25,001 points sa kanyang edad na 30-anyos.

Nagawa ito ni Bryant sa edad na 31-anyos.

Samantala, tinalo ng nagdedepensang Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies, 119-69, habang kinuha ng Houston Rockets ang kanilang unang panalo mula sa come-from-behind 110-105 victory laban sa Oklahoma City Thunder.

Dinaig naman ng Portland Trail Blazers ang Minnesota Timberwolves, 106-101; pinabagsak ng San Antonio Spur ang New York Knicks, 94-84; at binigo ng Los Angeles Clippers ang Phoenix Suns, 102-96.

Show comments