Laro Bukas (Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Blackwater vs Meralco
7 p.m. San Miguel vs Rain or Shine
MANILA, Philippines – Naglalaro pa lamang si Fil-American guard Stanley Pringle para sa kanyang ikalawang taon sa Philippine Basketball Association.
Ngunit ipinapakita na niya sa Globalport na maaari siyang maging susi para sa kanilang kauna-unahang PBA Finals.
Kumamada ang dating Penn State standout ng 13 sa kanyang game-high na 23 points para tulungan ang Golbalport sa 101-94 panalo laban sa Star noong nakaraang Biyernes sa 2015 PBA Philippine Cp.
Muling ipinakita ng 28-anyos na si Pringle ang kanyang nakuhang eksperyensa sa paglalaro sa Belgium, Poland, Ukraine at sa ABL para sa Indonesia Warriors.
Nagtala rin si Pringle ng 5 assists at 4 rebounds laban sa Hotshots para hirangin bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
Tinalo niya sina Sean Anthony ng NLEX at Vic Manuel ng Alaska para sa weekly honor.
“Ang maganda kasi kay Stan, he’s all-out pag pumasok na sa court. And para sa kanya, walang sapawan (with Terrence Romeo) though lagi ko naman nire-remind sa team na pagnanalo tayo, sama-sama tayo rito at ganun din kapag natalo tayo,” sabi ni coach Pido Jarencio sa 2014 PBA Nio. 1 overall pick.
Umaasa si Jarencio na maipagpapatuloy ni Pringle ang kanyang magandang laro sa pagsagupa ng Batang Pier sa Barako sa Linggo.