^

PSN Palaro

Arriba Pacquiao!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Coach ang dumiskarte. Players ang nagpanalo.

Sa kaduluhan, nag-champion ang Letran Knights sa NCAA Season 91 nang talunin nila ang San Beda Red Lions sa Game 3 ng kanilang finals.

Unang titulo ng Letran sa 10 taon samantalang ang San Beda ay champion ng limang sunod na taon.  Akala ng iba ay wala na itong katapusan.

Nakatapat sila ng heavyweight.

Sa panig ng Letran, meron silang lucky charm--si Manny Pacquiao.

Nang magsimula ang season, na-announce ng Letran na si Pacquiao na ang kanilang team manager.

Ginanahan lahat.

Maagang  dikit-dikit na panalo at mula noon ay umasa na ang Letran fans na baka ito na ang kanilang matagal na inaasam.

Nagkatotoo ang lahat. Umabot sila sa finals.

Umupo sa bench si Pacquiao nang kunin ng Letran ang Game 1. At nang hindi nakapunta si manager sa Game 2 ay natalo ang Letran.

Nauwi sa winner-take-all match.

Dumating si Pacquiao at diretso upo sa bench.

Nanalo sa overtime ang Letran. Lumaban ang San Beda ng malinis at marangal.

Kasama si Pacquiao sa kaguluhan sa gitna ng MOA  Arena.

Naiyak si coach Aldin Ayo na dati ring player ng Letran.

“Tama na ang sakit. Tayo naman!” ang sigaw ni coach Ayo sa microphone.

Hinawakan ni Pacquiao ang trophy na parang nanalo ulit siya ng world title sa boxing.

Sigawan ng bonus sa loob ng dugout.

At natural, hindi sila napahiya.

Bago pa man matapos ang selebrasyon ay lumabas ang announcement mula kay Pacquiao.

May bonus ang mga bawat miyembro ng team na P100,000.

Sumarap lalo ang pagdiriwang.

Si Pacquiao pa!

ALDIN AYO

ANG

AYO

DUMATING

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

PACQUIAO

SAN BEDA

SAN BEDA RED LIONS

SI PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with