^

PSN Palaro

Pinoy chessers mapapalaban sa mga dayuhang wood pushers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagkakataon ang mga tinitinga­lang chess players ng bansa na makilatis ang kanilang abilidad laban sa mga mabibigat na dayuhan sa paglarga ng dalawang magkasunod na international tournaments sa Subic Bay.

Mga GMs na ang ELO rating ay nasa 2600 ang mga tutungo sa bansa para sumali sa Philippine International Chess Championships at PSC/Puregold International Chess Challenge.

Ang Subic Bay Peninsular Hotel ang siyang venue ng dalawang malalaking torneo  at mula  Nobyembre 8 hanggang 14 ang unang kompetisyon at ang ikalawang palaro ay mula Nobyembre 15 hanggang 21.

Sinahugan ang torneo ng tig-$26,150 para sa Open, Female at Junior category at $5,000 ang makukuha ng magkakampeon sa Open category.

Ang mga GMs  sa pangu­nguna ng 2015 Battle of the Grandmasters na si Richard Bitoon bukod pa kina Eugune Torre, Ro­gelio Antonio, Darwin Laylo at John Paul Gomez  ang mga magdadala ng laban sa bansa.

Hindi naman pahuhuli sina IM Haridas Pascua, IM Paolo Bersamina at WIM Janelle Mae Frayna na gustong manalo para makumpleto ang pagkuha ng GM norms para ma­ging ganap na Grandmasters na.

Sa Nov.  8 ang da-ting ng mga dayuhang manlalaro at kinabukasan sisimulan ang torneo. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SUBIC BAY PENINSULAR HOTEL

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

DARWIN LAYLO

EUGUNE TORRE

HARIDAS PASCUA

JANELLE MAE FRAYNA

JOHN PAUL GOMEZ

MGA

NOBYEMBRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with