MANILA, Philippines – Sa Timog ng Luzon ang rutang tatahakin ng mga siklistang sasali sa 2016 Le Tour de Filipinas (LTdF).
Tinatayang nasa 600-kilometro ang kabuuang distansya ng karera na magsisimula sa Pebrero 18 hanggang 21.
“It’s about time that we bring the LTdF down south,” wika ni Donna Lina ng Ube Media Inc. na siyang organizer ng bikathon na ito.
“We decided to bring the race this time in Southern Tagalog and Bicol regions to spur awareness on cycling not only as a competitive sport, but more importantly as a form of physical fitness,” dagdag ni Lina.
Sa Antipolo City magsisimula ang tagisan sa Pebrero 18 at magtatapos ang Stage 1 sa Lucena City.
Ang ikalawang araw sa bukod-tanging karera sa Pilipinas na may basbas ng UCI at kabahagi sa isinasagawang Asia Tour, ay unahan na makaabot hanggang Daet, Camarines Norte.
Ang pinakamahabang ruta ay magaganap sa Stage 3 mula Daet haggang Albay na siyang capital ng Legaspi City.
Ang huling araw ng karera sa Pebrero 21 ay isang out-and-back course sa Legaspi City at iikot ang ruta sa kapaligiran ng Mayon Volcano at dadaan din sa mga geothermal plants sa Tiwi.
Tinatayang nasa 15 continental teams ang sasali sa kompetisyon at hangad ng mga siklista ng host country na makuha uli ang kampeonato.
Sina Baler Ravina (2012) at Mark Galedo (2014) ang mga Pinoy cyclists na itinanghal na kampeon sa LTdF. Taong 2010 sinimulan ang LTdF at ang nagkampeon dito ay si David McCann ng Ireland.