Texters balik sa porma: Pinataob ang enforcers

Pinagtulungang depensahan nina KG Canaleta at Bradwin Guinto ng Mahindra si Matt Ganuelas ng Talk ‘N Text sa aksyong ito sa PBA. (Joven Cagande)

Laro sa Nov. 4

(Mall of Asia Arena)

4:15 p.m. Blackwater vs Meralco

7 p.m. San Miguel vs Rain or Shine

 

MANILA, Philippines - Bagama’t nakamit ang kanilang unang panalo ay hindi pa rin kuntento si coach Jong Uichico sa inilaro ng kanyang Talk ‘N Text.

“We’re not where we should be. We still have a long way to go,” sabi ni Uichico matapos ang 101-97 pagtakas ng Tropang Texters laban sa Mahindra Enforcers sa 2015 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang panalo ng Texters matapos isuko ang 98-114 kabiguan sa Alaska noong nakaraang linggo.

Humugot si point guard Jayson Castro ng siyam sa kanyang 28 points, samantalang nagdagdag sina rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario ng tig-12 markers kasunod ang 11 ni Larry Fonacier at tig-10 nina Ryan Reyes at Rob Reyes.

Matapos kunin ang first period, 24-19, ay 23 puntos lamang ang nagawa ng Tropang Texters sa second quarter kung saan naagaw ng Enforcers ang unahan sa halftime, 53-47.

Nakabangon naman ang Talk ‘N Text sa third period bago kunin ang 99-94 abante sa final canto.

Tumipa si guard LA Revilla ng 21 points, kabilang dito ang kanyang three-point play na nagdikit sa Mahindra sa 97-99- agwat, habang nagdagdag si rookie Bradwyn Guinto ng 17 points at 13 rebounds.

Sa ikalawang laro, bumangon ang Barako Bull mula sa 21-point deficit sa first period para resbakan ang Barangay Ginebra, 82-79, at ilista ang una nilang panalo sa dalawang laro.

 

Show comments