Poligrantes ibinangon ang Realtors
Laro sa Nov. 3
(Marikina Sports Center)
7 pm Austen Morris
Associates vs PCU
8:30pm Flydragons
Logistics vs FEU-NRMF
MANILA, Philippines – Tumapos si Eluid ‘Eloy’ Poligrantes ng 29 puntos para ihatid ang dating kampeon Sta. Lucia Land Realtors sa unang panalo nang igupo ang Power Innovation Philippines, 95-88 noong Huwebes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center sa Marikina City.
Lumabas ang tikas ni Poligrantes sa huling 1:38 minuto ng first period nang mula sa 40-deadlock, pinasimulan niya ang 7-0 bomba upang iwanan ang kalaban na hindi na binitiwan pa ang trangko.
Lalong naging mabangis ang Realtors nang makipagtulungan si Poligrantes kina ex-PBA players Gerry Esplana, Francis ‘Kiko’ Adfriano at Warren Ybañez para ipalasap sa Power Innovation Philippines ang kanilang kabiguan.
Nagdagdag ng 22 puntos ang import ng Sta. Lucia na si Victor Jean.
Samantala, natikman ng Mindanao Agilas ang kanilang ikalawang pagkatalo nang pabagsakin ang Metro Pacific Toll Corporation, 83-76 sa isa pang laro.
Magbabalik ang ligang itinataguyod ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at Mr. and Mrs. Dot Escalona sa Martes .
- Latest