Daez inilapit ang Lady Maroons sa semis

MANILA, Philippines – Kumamada si Bea Daez, naglaro na may suot na protective mask, ng 13 points para tulungan ang University of the Philippines sa 46-45 paglusot sa University of the East at pa­lakasin ang kanilang tsansa sa semifinals ng 78th UAAP women’s basketball tournament sa Blue Eagle gym.

Matapos ang 25-game losing skid ay tatlong sunod na panalo ang kinuha ng Lady Maroons.

Nakakuha si Daez ng suporta kina Therese Medina (11 points, 6 rebounds) at Patricia Pesquera (10 points, 9 boards) para sa UP na may 3-7 baraha kagaya ng Adamson Lady Falcons sa ilalim ng Ateneo Lady Eagles (4-6) at Lady Warriors (4-6).

Pinulbos naman ng defending champion NU ang Adamson, 75-49, para ilista ang kanilang 10-0 record at kunin ang unang semifinals seat kasunod ang La Salle na itinala ang 54-43 panalo sa Far Eastern U.

 

Show comments