Sen. Poe sa LGUs: Tumulong sa pagtuklas ng mahuhusay na atleta

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Grace Poe na tumulong ang mga local government officials sa paghahanap ng mga mahuhusay na atleta para maging bagong bayani sa larangan ng palakasan ng bansa.

Ang panawagan ay ginawa ni Poe lalo pa’t patuloy ang paghahanap ng atleta ang bansa para makapasok sa 2016 Rio Olympics.

“Our country is made up of a hundred million people. To have only one Olympian to represent a hundred million Filipinos doesn’t seem right,” wika ni Poe na isang taekwondo blackbelter at nanalo ng pilak sa isang National Open.

Ang Fil-Am na si Eric Shauwn Cray pa lamang ang nakakuha ng upuan para sa Pilipinas sa Rio Games sa larangan ng 400m hurdles sa athletics.

Kailangan ang tulong ng mga LGUs dahil tunay na maliit ang pondo sa palakasan ng pamahalaan.

“Our youth is our future. Let us invest in them - - their overall wellbeing, including sports development. This should be our collective responsibility. Let us give our young athletes the push and the support they deserve,” dagdag ni Poe.

Tinukoy din ni Poe ang pabawas nang pabawas na oras para sa sports sa mga paaralan at nagkakaroon na lamang ng partisipasyon ang mga ito kapag may idinadaos na Palarong Pambansa at Batang Pinoy.

“The only saving grace our young student-athle­tes have is the Palarong Pambansa and the Batang Pinoy Games. The LGUs must involve themselves deeper in these activities. Hindi puwede na basketball at volleyball summer leagues lang ang pagkaka-abalahan ng mga barangays,” dagdag ni Poe.

Mga laro sa boxing, chess, cycling, taekwondo, football at badminton din ang puwedeng tutukan ng mga LGUs dahil napatunayan na kayang maghatid ng karangalan ang bansa rito.

 

Show comments