^

PSN Palaro

Lady slammers tinakasan ang Air Force Raiders

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita  ng Philips Gold Lady Slammers ang mala- king puso nang bumangon sila mula sa pagkatalo sa unang dalawang sets tungo sa 23-25, 18-25, 25-21, 25-21, 15-8 panalo sa RC Cola-Air Force Raiders sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball  kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kumana si Alexis Olgard ng 27 puntos mula sa 18 kills, 7 blocks at  2 aces, habang sina Bojana Todorovic at Myla Pablo ay naghatid pa ng 25 at 17 puntos.

Si Michelle Gumabao ay nasandalan sa depensa sa ikalima at huling set habang ang Fil-Am setter na si Lindsay Dowd ay mayroong 24 excellent sets para kunin ng Lady Slammers ang ikatlong dikit na panalo matapos ang apat na laro sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo bukod sa ayuda ng Mikasa, Senoh at Mueller at napapanood sa TV5.

May 27 puntos din si Lindsay Morales pero nabantayan siya sa huling set at mayroon lamang  dalawang puntos para sa ikalawang sunod na pagkatalo ng Raiders matapos magwagi sa Meralco Power Spikers.

“RC Cola is coming from a loss and we expected them to try and bounce back in this game. We just gave our best especially in our receptions and blocking,” wika ni Philips Gold coach Francis Vicente.

Umarangkada ang Lady Slammers sa 8-1 sa first set pero bumigay sila para matalo. Nagpatuloy ang magandang laro ng Raiders sa second set pero sa third set ay nagtrabaho na sina Olgard, Todorovic at Pablo para makaisa.

Tila bumalik ang sigla ng Raiders sa fourth set at ang ace ni Morales ang nakatulong para ibigay sa koponan ang 19-15 kalamangan.

Ngunit sumama uli ang reception ng Raiders para sa dalawang aces ni Todorovic habang si Pablo ay may apat pang puntos at isang kill ang ibinigay ni Olgard para sa 10-5 palitan at maitakda ang fifth set.

Tatlong service errors ang naitala pa ng Raiders para hawakan ng Philips Gold ang 8-6 bentahe.

Umatake si Morales sa sumunod na play pero sina Olgard, Todorovic at Gumabao ang nagsanib-puwersa para sa 7-2 palitan tungo sa panalo.

Kontrolado ng Lady Slammers ang spike, 59-49, at blocks, 13-10, para maisantabi ang 8-11 pabor para hindi maapektuhan ng 30 errors sa sagupaan.

ALEXIS OLGARD

ANG

BOJANA TODOROVIC

COLA-AIR FORCE RAIDERS

FRANCIS VICENTE

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

OLGARD

PARA

PHILIPS GOLD

TODOROVIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with