Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
4:15 p.m. – RC Cola-Air Force vs Petron
6:15 p.m. – Philips Gold vs Meralco
MANILA, Philippines – Masusukatan ngayon ang RC Cola-Air Force Raiders sa pagharap nila sa Petron Lady Blaze Spikers, habang ang dugtungan ang nakuhang unang panalo ang nais ng Philips Gold Lady Slammers sa Meralco Power Spikers sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City
Galing ang nagbabalik na Raiders sa 25-20, 17-25, 20-25, 25-21, 15-13 panalo laban sa Power Spikers para maging ikalawang koponan na lamang na hindi pa natatalo sa liga.
Ang kanilang mga imports na sina Lynda Morales at Sara Christine McClinton ay may 26 at 20 puntos at nagsanib sa 35 kills at 10 blocks sa unang panalo.
Pero para gumanda ang tsansang mangibabaw pa sa Petron sa laro sa alas-4:15 ng hapon.
Hindi puwedeng biruin ng RC Cola ang nagdedepensang kampeon na gustong wakasan ang mga laro sa first round.
Matapos ang apat na laban ay may 2-2 karta lamang ang tropa.