V-League, Spikers’ Turf sinalanta ni ‘Lando’

Laro sa Oct. 24 (V-League)

12:45 p.m.  UP vs Coast Guard (Spikers’ Turf)

3 p.m.  Sta. Elena vs Cignal HD Spikers

5 p.m.  PLDT Home Ultera vs IEM

MANILA, Philippines – Dahil sa inaasahang malakas na paghagupit ng bagyong Lando kaya’t nagdesisyon ang Sports Vision na nagpapatakbo sa Shakey’s V-League at Spikers’ Turf na kanselahin na lamang ang mga laro na nakatakda kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inilipat ang mga laro sa hanay ng UP Lady Maroons-Army Lady Troopers at PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters-Kia Forte sa V-League at Navy Sailors-IEM Volley Masters sa Spikers’ Turf sa Nobyembre 15 na siya na ring lalabas bilang huling araw sa single-round elimination sa dalawang liga.

Paglalabanan sana ng UP at Army ang ikalawang sunod na panalo habang 2-0 karta rin ang plano ng PLDT na siyang Open conference champion sa ligang suportado ng Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera. (AT)

Show comments