Laro sa Martes (Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Petron vs RC Cola-Air Force
6:15 p.m. Philips Gold vs Meralco
MANILA, Philippines – Pinatibay ng Cignal ang kanilang paghawak sa liderato, habang gumawa naman ng ingay ang Philips Golds.
Muling inasahan ng Cignal si import Ariel Usher para sa kanilang 25-17, 25-18, 25-17 panalo laban sa Meralco para patuloy na pangunahan ang 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.
Iginiya ni Usher ang HD Spikers para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa nasabing inter-club tourney na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo, Mikasa, Senoh at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.
Humataw si Usher ng 22 kills at 2 blocks para tumapos na may game-high na 24 points.
Nag-ambag sina import Amanda Anderson at rookie Fritz Gallenero ng tig-11 points para sa Cignal na tinapos ang Meralco sa loob ng isang oras at 13 segundo.
Sa ikalawang laro, ginulat naman ng Philips Gold ang nagdedepensang Petron, 25-20, 21-25, 16-25, 25-22, 15-12. (RC)