Mapua sasagupa sa Letran sa semis
Laro sa Martes
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
12 nn Mapua
vs Arellano (Jrs)
2 p.m. Letran
vs Mapua (Srs)
4 p.m. San Beda
vs Jose Rizal U (Srs)
MANILA, Philippines – Tinalo ng Mapua Cardinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 81-76, para okupahan ang ikatlong puwesto sa Final Four sa 91st NCAA men’s basketball playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si CJ Isit taglay ang career-high 27 puntos para bigyan ang Cardinals ng kanilang ikaapat na sunod na panalo at putulin ang 6-game winning streak ng Heavy Bombers.
Si Darell Menina ay may 16 puntos habang si Allwell Oraeme ay humablot ng 24 rebounds upang isama sa kanyang 11 puntos, 5 assist at 3 blocks.
Makakalaban ng Cardinals ang number two seed Letran Knights sa Final Four na magsisimula sa Martes.
Ang Heavy Bombers ang katipan naman ng 5-time defending champion San Beda at ang Lions at Knights ay may twice-to-beat advantage.
Si Bernabe Teodoro ay may 16 puntos pero ang isa pang batikang guard ng Heavy Bombers na si Paolo Pontejos ay may dalawang puntos lamang at halatang nagluluksa pa sa pagkamatay ng kanyang ama.
Samantala, nagpasok ng free throws si Guillmer dela Torre para ibigay sa Arellano ang 75-74 panalo sa La Salle-Greenhills para magpatuloy sa laban sa juniors division.
Ang larong ito ay nagbukas sa step-ladder semifinals at makakalaro nila ang Mapua Red Robins sa Martes para malaman kung sino ang makakaharap ng 6-time defending champion San Beda Red Cubs na may thrice-to-beat advantage matapos ang 18-0 sweep sa elimination round.
- Latest