CARSON, California -- Imbes na gawin ang kanyang workout sa Wild Card Gym ay mas piniling manatili ni Donnie ‘Ahas’ Nietes sa kanilang living quarters sa Los Angeles.
Mas ginusto ni Nietes, ayon sa kanyang trainer na si Edito Villamor, na magpapawis malapit sa kanilang tinitirhan sa LA kung saan niya kasama ang iba pang boxers.
“Nagpapawis na lang. abdominal exercise, skipping at training,” wika ni Villamor. “We’re all ready.”
Samantala, masaya namang nakipag-usap ang kanyang kalabang si Mexican Juan “Pinky” Alejo sa mga miyembro ng press sa Fortune Gym sa Sunset Blvd. para sa isang open workout.
Gumamit si Alejo, hahamunin si Nietes para sa WBO light-flyweight crown, ng interpreter para sagutin ang mga katanungan sa kanya ng media.
Ayon sa boksingerong mula sa Nuevo Leon, sabik na siyang lumaban sa main bout ng Pinoy Pride 33 “Philippine vs the World” sa Lingo rito sa StubHub Center.
“I’m ready. I’m excited,” wika ni Alejo, may 21-3 record kasama ang 13 knockouts, na nag-shadow-boxed at skipping ropes sa harap ng mediamen.
Si Nietes (36-1-4, 21 knockouts) ay ang world champion sa halos walong taon at hindi pa natatalo sa huli niyang 21 fights.
Ito ang gagamitin ni Alejo na motivation.
“I know Nietes is a great champion but it will be nice to take the title away from him,” ani Alejo
Lalaban din sa US sa unang pagkakataon sina ang magkapatid na Albert at Jason Pagara at Mark Magsayo.
Haharapin ni Albert si William Gonzales at makakalaban ni Jason si Santos Benavides ng Nicaragua, habang makakasukatan ni Magsayo si Yardley Suarez ng Mexico.
Ang final press conference ay gagawin sa Community Hall ng Carson Civic Center kung saan nakatayo ang isang eight-foot statue ni Dr. Jose Rizal.