CEBU CITY, Philippines – Naghati sa spotlight sina Noel Tillor at Ruffa Sorongon matapos magkampeon sa Cebu leg ng 39th National Milo Marathon kahapon dito.
Nagsumite si Tillor ng oras na 01:14:46 para ungusan sina Narceso Deterala (01:16:36) at Adonis Singson (01:17:29) sa men’s 21-kilometer event.
Naorasan naman si Sorongon ng bilis na 01:29:05 para talunin sina Miscelle Gilbuena (01:32:04) at Lizane Abella (01:42:58) sa women’s category.
Sinamantala ng 30-anyos na si Tillor, isang local mechanic sa Cebu, ang pagiging pamilyar niya sa ruta para angkinin ang premyong P10,000 at tiket para sa Milo National Finals sa Disyembre 6 sa Angeles, Pampanga.
Nagdesisyon naman si Soromon, isang full-time runner mula sa Davao, na sumali sa Cebu leg para makita ang kanyang iniidolong si Mary Joy Tabal.
Si Tabal ay ang Milo Marathon Queen at silver medalist sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.
Kagaya ni Trillo, nakuha rin ni Sorongon ang premyong P10,000 at puwesto para sa Milo National Finals.