MANILA, Philippines – Inagaw ng Ateneo ang solong liderato matapos talunin nina Alyssa Valdez at Bea Tan sina Mylene Paat at Jessica Galanza ng Adamson, 21-13, 21-15 sa 78th UAAP women’s beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.
Ngunit kinahapunan ay natalo naman sina Valdez at Tan kina Cyd Demecillo at Kim Fajardo ng La Salle Lady Archers mula sa come-from-behind win, 11-21, 21-16, 15-12.
Dahil sa 4-1 record ay nadiskaril ang pagpasok ng Ateneo sa semifinal round.
Itinala rin ng FEU ang 3-1 marka nang gibain nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sina Jaja Santiago at Jasmine Nabor ng National University, 21-12, 21-12.