^

PSN Palaro

Ravena pinalakas ang tsansa sa back-2-back MVP

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa likod ng kanyang impresibong mga numero sa scoring, assists at steals ay pinangunahan ni team captain Kiefer Ravena ng Ateneo ang labanan para sa MVP award ng 78th UAAP men’s basketball tournament.

Matapos ang first round ay kumubra si Ravena ng 70.8571 statistical points (SPs) mula sa kanyang mga numero sa major stats departments para palakasin ang tsansa niya sa ikalawang sunod na UAAP MVP award.

Namuno siya sa assists sa kanyang average na 5.0 at pumangalawa sa scoring (18.3) at sa steals (1.7) sa paggiya sa Blue Eagles sa 4-3 kartada.

Nasa ilalim ni Ravena sina Kevin Ferrer (68.2857) at Ed Daquioag (65.000) ng UST, import Alfred Aroga (61.1429) ng nagdedepensang NU at La Salle star Jeron Teng (60.1429).

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Mac Belo (57.8527) at Mike Tolomia (55.8571) ng Far Eastern University, Karim Abdul (53.000) ng UST, Raymar Jose (52.000) ng FEU at Bonbon Batiller (51.4286) ng University of the East.

Kumamada si Ferrer, dating  juniors MVP,  ng mga averages na 17.9 markers (third overall), 8.1 boards (No. 6) at 1.7 assists para makatulong si Daquioag sa paghatid sa Tigers sa 6-1 baraha.

ALFRED AROGA

BLUE EAGLES

BONBON BATILLER

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN UNIVERSITY

JERON TENG

KARIM ABDUL

KEVIN FERRER

KIEFER RAVENA

LA SALLE

MAC BELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with