Laro sa Sabado (Rizal Memorial Badminton Hall)
8 a.m. - La Salle vs Ateneo (Men’s step-ladder)
1 p.m. - La Salle vs Ateneo (Women’s step-ladder)
MANILA, Philippines – Pinabagsak ng Ateneo De Manila University ang University of the Philippines, 3-2, sa unang step-ladder semifinals match UAAP Season 78 men’s badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Kinuha ni Hans Bernardo ang 21-11, 21-18 panalo laban kay Carl Clemente ng Fighting Maroons sa ikatlong singles para sa tagumpay ng Blue Eagles.
Sa ikalawang step-ladder ay makakatapat ng Ateneo, nagkampeon sa Season 76, ang karibal na De La Salle University na may hawak ng ‘twice-to-beat’ advantage.
Ang semifinals survivor ang maghahamon sa nagdedepensang National University Bulldogs, may bitbit na ‘thrice-to-beat’ incentive matapos walisin ang elims.
Samantala, sinibak ng Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 3-1, para itakda ang kanilang step-ladder duel ng Lady Archers, mayroong ‘twice-to-beat’ bonus, sa Sabado.
Ang mananalo sa Lady Eagles at Lady Archers ang sasagupa sa title-holder na Lady Maroons sa Finals.