Viloria at Nietes nagtutulungan sa kanilang paghahanda sa laban
MANILA, Philippines – Parehong sasabak sa aksyon sina dating two-division world champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at world flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.
Kaya naman sila mismo ang nagtutulungan para maihanda ang isa’t isa sa kanilang mga laban sa Oktubre 17.
“Great work, great guy,” sabi ni Viloria matapos makipag-sparring kay Nietes sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.
Kumpiyansa si Viloria na matagumpay na maidedepensa ni Nietes (36-1-4, 21 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization light flyweight crown laban kay Mexican challenger Juan Alejo (21-3-0, 13 KOs) sa ‘Pinoy Pride 33’ sa StubHub Center sa Carson City, California.
“I know he’s going to do well on the 17th. We were helping each other prepare for our respective matches, and it was great work. I like the guy,” wika ni Viloria.
Sa Oktubre 17 rin ay pipilitin ni Viloria (36-4-0, 22 KOs) na agawin kay Nicaraguan Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez (43-0-0, 37 KOs) ang bitbit nitong World Boxing Council flyweight belt sa Madison Square Garden sa New York City.
Sinabi ni Viloria na malaki ang maitutulong ni Nietes sa kanyang preparasyon para kay Gonzalez, sinasabing susunod na ipinosteng 49-0-0 record nina world five-division titlist Floyd Mayweather, Jr. at heavyweight legend Rocky Marciano.
“I just trained myself to be the best for this fight, and knowing what kind of challenges is waiting for me next week, I’m just preparing myself to the best that night, wanting to perform,” ani Viloria. “I just want to take it to Chocolatito.”
Matapos maagaw ang kanyang mga suot na WBA at WBO flyweight belts ni Juan Estrada noong Abril ng 2013 ay apat na sunod na panalo ang ipinoste ni Viloria na tinampukan ng tatlong knockouts.
Ang huling pinabagsak ni Viloria ay si dating world title challenger Omar Soto sa first round sa kanilang rematch noong Hulyo 25 sa Hollywood, California.
- Latest