Barbosa naghari sa Hong Kong International

MANILA, Philippines – Iginupo ni Filipino Grandmaster Oliver Barbosa si Indian International Master Subbaraman Vijayalakshmi para pamahalaan ang Hong Kong International Open Chess Championships 2015 noong Lunes ng gabi.

Nagtabla ang third seeded na si Barbosa at ang second seed na si Chinese GM Zeng Chongsheng sa magkatulad nilang 7.5 points matapos ang nine rounds.

Subalit dahil sa kanyang bitbit na superior tiebreak score, 48.5-45.5, ay napunta sa Olympiad veteran na si Barbosa ang korona.

Isa itong malaking panalo para kay Barbosa matapos bumaba ang kanyang FIDE rating sa 2501.

Nakipag-draw naman si Filipino GM Darwin Laylo kay top seed GM Gao Rui ng China para makasosyo sa fourth place si Chinese FIDE Master Yu Kaifeng, pinatumba si Chan Chak Man ng Hong Kong, sa magkapareho nilang 6.5 points.

Show comments