^

PSN Palaro

Nuyles at Mahindra team nagkasundo na sa kontrata

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayon ay mapapanatag na ang kalooban ni Alex Nuyles.

Naresolbahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang isyu tungkol sa kontrata ng third-year swingman sa Mahindra (dating Kia) kung saan maglalaro pa rin siya para sa Enforcers sa darating na 2016 PBA season.

Ginamit ni Nuyles ang social media para ibunyag ang sinasabi niyang hindi paggalang ng Mahindra sa kanyang kontrata.

“It was just a case of miscommunication and I sincerely apologize to the management of Mahindra for expressing doubts that they will not honor the contract renewal I signed with Kia,” sabi ni Nuyles sa isang press statement.

 Nauna nang inireklamo ni Nuyles ang hindi pagbibigay ng suweldo sa kanya ng Mahindra, ang playing coach na si Manny Paquiao ay tatakbong Senador, simula noong Setyembre bagama’t lumagda siya ng contract extension noong Hulyo.

Inutusan ni PBA Commissioner Chito Narvasa, sumuporta sa Gilas Pilipinas sa ka­tatapos na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China, ang kanyang exe­cutive assistant na si Pita Dobles, pinuno ng Players Affairs Office, na pagharapin si Nuyles at ang kinatawan ng Mahindra.

We’re just glad this is over so Alex can fully concentrate on preparing for the coming season,” wika ni Ed Ponceja, ang agent ni Nuyles, sa patuloy na paglalaro ng dating Adamson Falcons star para sa Enforcers.

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALEX NUYLES

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

COMMISSIONER CHITO NARVASA

ED PONCEJA

GILAS PILIPINAS

KIA

MAHINDRA

NUYLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with