^

PSN Palaro

Matitikas na import babanderahan ni Morales

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga panatiko ng Philippine SuperLiga (PSL) na makakita ng mga mahuhusay na imports na bihasa sa pag­lalaro sa international competition sa gaganaping 2015 PSL Grand Prix.

Mangunguna sa mga banyagang manlalaro na tiyak na hahangaan ay si Lynda Morales na magla­laro sa RC Cola-Air Force.

Ang 6’1 middle blocker ay kasapi ng Puerto Rico women’s national team at kasalukuyan pang nagla­laro sa World Grand Prix sa Turkey.

Sa Biyernes pa ang dating ng 6’1 player o isang araw bago sumambulat ang palarong inorganisa ng SportsCore sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna

Ang iba pang tututukan ay sina Bojana Todorovic ng Philips Gold at Christina Alessi ng Meralco.

Si Todorovic ay  isang 5’11 outside hitter na nag­laro sa US NCAAA Division I sa University of California-Los Angeles (UCLA) at nagkampeon sila noong 2011. Makakasama niya si 6’5 Alexis Olgard para sa RC Cola-Air Force.

Si Alessii naman ay isa ring US NCAA player na naglaro sa Pam  Beach Atlantic University at dinala niya ang galing sa paglalaro ng volleyball sa Sweden bilang import. Katambal niya si Liis Kullerkann ng Ohio University.

Ang iba pang mga bisitang manlalaro ay sina Rupia Inck at Erica Adachi ng Petron, Ketie Messing at Lindsay Stalzer ng Foton at Amanda Anderson at Ariel Usher ng Cignal.

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ALONTE SPORTS ARENA

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

BEACH ATLANTIC UNIVERSITY

BOJANA TODOROVIC

CHRISTINA ALESSI

COLA-AIR FORCE

DIVISION I

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with