Laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UST
4 p.m. NU vs FEU
MANILA, Philippines – Si Kiefer Ravena ang tumira sa huling apat na posesyon ng Blue Eagles sa dulo ng fourth quarter.
Ngunit kahit isa rito ay walang pumasok.
Sinandigan naman ng Green Archers sina Jeron Teng, Thomas Torres at Joshua Torralba sa natitirang 40 segundo ng laro para kumpletuhin ang pagbangon nila mula sa 15-point deficit sa first half.
Mas sinandigan ang kanilang team effort at hindi ang individual skills, tinalo ng La Salle ang karibal na Ateneo, 80-76 sa 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos makatabla sa third period, 61-61, ay inagaw ng Archers ang 74-72 abante mula sa three-point play ni Teng sa 2:48 minuto ng final canto.
Huling nakamit ng Eagles ang kalamangan sa 76-74 mula sa basket nina Ravena at import Chibueze Ikeh sa 1:27 minuto ng laro.
Isinalpak ni Torralba ang isang tres para ibigay sa La Salle ang 77-76 abante sa huling 33.9 segundo kasunod ang dalawang mintis na fadeaway jumper ni Ravena sa panig ng Ateneo.
Ang ikatlong mintis ni Ravena sa posesyon ng Eagles ang nagresulta sa dalawang free throws ni Teng para itaas ang Archers sa 79-76 sa huling10.6 segundo.
Muling nabigo si Ravena na makaiskor para sa Ateneo nang tumalbog ang kanyang tirada sa 3-point line sa pagtunog ng final buzzer.
Sa unang laro, natikman ng Adamson Falcons ang kauna-unahan nilang panalo nang gimbalin ang UP Fighting Maroons, 73-68.
Kumamada si Jerome Garcia ng career-high na 26 points para sa 1-6 baraha ng Falcons, habang nalasap ng Fighting Maroons ang kanilang pang-limang sunod na kamalasan matapos ang 2-0 start.
Adamson 73 - J. Garcia 26, Nalos 15, Tungcab 13, Sarr 8, Polican 5, Ochea 4, Margallo 2, Camacho 0.
UP 68 - Desiderio 26, Longa 9, Jaboneta 7, Dario 6, Amar 4, Kone 4, Prado 4, Moralde 3, Vito 3, Asilum 2.
Quarterscores: 21-14; 47-28; 57-46; 73-68.
DLSU 80-Teng 18, Torres 15, Perkins 13, Rivero 10, Torralba 9, Caracut 6, Trater 4, Navarro 3, Muyang 2 Sargent 0.
AdMU 76 – Ravena 19, Ikeh 13, Capacio 10, Gotladera 8, Pessumal 8, A. Toletino 7, Pingoy 6 Apacible 2, Babilonia 2, Ma. Nieto 1.
Quarterscores: 13-25, 36-46, 61-61, 80-76.