^

PSN Palaro

Hindi pa ‘tamang panahon?’ Gilas niyari ng China sa FIBA Asia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bigong maiuwi ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya at kampeonato matapos daigin ng host team China, 78-67, sa finals ng FIBA Asia Men’s Championship sa Changsha Social Work College Gymnasium sa Hunan, China, Sabado ng gabi.

 Hindi kinaya ng Pilipinas ang naglalakihang Chinese players kaya naman ang huling kalamangan na natikman nila, 15-10 ay binaligtad ng China gamit ang 12-0 run sa opening quarter, 22-15.

Sa tindi ng depensa, tanging si Andray Blatche lamang ang naka double digit score 17 markers, habang ang maaasahang si Jayson Castro ay nalimitahan sa walong puntos lamang. Ito ang unang laro ni Castro sa liga na hindi siya lumagpas ng 10 puntos, ngunit kinilala pa rin siyang best point in Asia sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Kahit minalas sa 35.4 percent field goal ay naidikit pa ng Gilas ang laban matapos ang third quarter, ngunit pagpasok ng payoff period ay umalagwa kaagad ang China upang hilahin ang kalamangan sa 15, 65-50.

Mula noon ay hinigpitan pa lalo ng China ang kanilang depensa at hinasa pa ang opensa na upang makuha ang korona na may nakalakip na ticket patungong 2016 Rio Olympics.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nauwi sa silver medal finish ang Pilipinas, habang bronze ang 2013 champion Iran.

May pag-asa pang makasama sa Olympics ang Gilas, Japan at fourth placer Japan na maglalaro sa wild card  round sa susunod na taon kasama ang runners up mula sa ibang kontinente.

 

 

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA MEN

BIGONG

CHANGSHA SOCIAL WORK COLLEGE GYMNASIUM

GILAS PILIPINAS

HUNAN

ITO

JAYSON CASTRO

PILIPINAS

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with