PANOORIN: Highlights ng panalo ng Gilas kontra Lebanon

Larawan mula sa FIBA.

MANILA, Philippines – Binuhat nina Andray Blatche at ng tinaguriang best point guard in Asia na si Jason Castro ang Gilas Pilipinas upang tumawid sa semifinals ng FIBA Asia Men’s Championship sa China kagabi.

Nakapasok sa Final Four ang Pilipinas matapos pabagsakin ang Lebanon, 82-70, sa likod ng 24 points at 17 rebounds ni Blatche na dinagdagan pa ni Castro ng 25 markers.

Makakalaban ng Gilas ang Japan mamayang gabi ganap na 9:30 ng gabi.

Panooring ang highlights ng laban:

Show comments