PSC handang gastusan ang mga national athletes -- Garcia
MANILA, Philippines - Hindi panghihinayangan ng Philippine Sports Commission na gastusan ang mga Pambansang atleta.
“We are here to support the athletes. We have the money to give to those deserving who can become a world champion,” pahayag ni Garcia, nagdiwang ng kanyang pang-70 kaarawan kahapon.
Ayon kay Garcia, may sapat na pondo ang ahensya para itustos sa mga atleta ngunit hindi maibuhos dahil ang ibang atleta ay bumababa ang kalidad ng paglalaro habang may mga National Sports Associations (NSAs) ang may unliquidated accounts.
“Hindi naman kami puwedeng magbigay ng pondo at hindi naili-liquidate ang NSA. But I assure you na ang mga magagaling na atleta ay sinusuportahan ng PSC,” paniniyak ni Garcia.
Ang mga mahuhusay na atleta ay kasama sa priority athletes program na tumatanggap ng P40,000.00 monthly allowance.
Ngunit dapat na mapanatili ng atleta ang kanyang magandang estado dahil kapag hindi niya nagawang idepensa ang kanyang gintong medalya sa SEA Games o Asian Games ay mawawala siya sa programa at babalik bilang regular na atleta.
- Latest