^

PSN Palaro

Obiena magpapalakas ng tsansa sa 2016 Olympics

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling aasinta ng ba­gong Philippine record si Ernest John Obiena bago ma­tapos ang taon para pa­lakasin ang paghahabol ng puwesto sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Target ni Obiena ang ma­kalampas sa bar na na­sa 5.50-metro upang lu­mapit sa Olympic standard na 5.70m at makasali sa 2016 Rio Games.

Sa ngayon ay nasa 5.45m ang kanyang natio­nal record na ginawa sa PATAFA Weekly relay ka­ma­kailan.

Ito na ang ika-14 pagka­kataon na winasak ng 19-anyos at 6-foot-2 pole vaulter ang kanyang natio­nal record na nagsimula sa 4.90m lamang sa pagbubukas ng taon.

“Base sa program ni coach Vitaly Petrov, dapat ay this year ko maabot ang 5.45m mark. Pero nagawa ko na kahit hindi pa tapos ang taon. Napaaga lang,” wika ni Obiena, isang se­cond year irregular student sa UST sa kursong electronics engineering.

Si Petrov ang siyang nag­tuturo kay Obiena sa For­mia, Italy dahil ang Filipi­no pole vaulter ay  isang IAAF scholar sa tulong ng dating tinitingala sa sport na si Sergei Bubka.

Pahinga ngayon si Obie­na pero sa Disyembre ay sasabak muli siya sa aksyon sa UAAP at sa Weekly relay.

“Hopefully po ay ma-clear ko ang bar sa 5.50-meters para lumapit pa ako sa Olympic standard. Hopefully, by April ay na-hit ko na ang standard para magkaroon pa ako ng time to prepare sa Olympics,” dagdag nito.

Matapos ang dalawang kompetisyon ay tutulak muli si Obiena sa Italy para magsanay hanggang Ene­ro ng 2016.

“Wala nang pahinga ito. Plano namin ay maka-compete siya at least three times every month starting next year para tumaas ang kanyang level at makuha ang standard,” wika ng ama at coach na si Emerson Obiena.

Suportado ang hangarin ni Obiena na maging ika­lawang Olympian mula track and field dahil binigyan siya ng $28,000.00 pon­do para sa huling tatlong buwan ng taon.

Ang Fil-Am sprinter na si Eric Cray ang natata­nging atleta pa lamang ng Pilipinas na nakapasok na sa Rio Games sa larangan ng 400-m run.

ACIRC

ANG

ANG FIL-AM

EMERSON OBIENA

ERIC CRAY

ERNEST JOHN OBIENA

OBIENA

OLYMPIC GAMES

RIO GAMES

SERGEI BUBKA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with