^

PSN Palaro

Gilas No. 2 sa scoring at rebounding

NBeltran - Pilipino Star Ngayon

CHANGSHA – Ba­ga­ma’t walang player na na­pabilang sa Top Five sa individual  statistics ay na­­kamit pa rin ng Gilas Pi­­lipinas ang No. 1 spot sa Group E sa preliminary stage ng 2015 FIBA Asia Championship dito.

Ang mga bagay na na­katulong sa Nationals ay ang kanilang pagiging No. 2 team sa scoring at sa re­bounding at No. 5 sa three-point shooting.

Naglista ang Gilas Pili­pi­nas ng mga averages na 90.5 points at 49.0 rebounds per game, habang ang No. 1 Iran ay nagposte ng mga averages na 95.7 points at 50.5 rebounds, ayon sa pagkakasunod.

Kumasa ang koponan ng 36.2-percent shooting, ang pang-limang pinakamahusay sa hanay ng 16 koponan sa prelims sa ila­lim ng Koreans (40.7), Le­banese (39.3), Taiwanese (39.2) at Chinese (37.6).

Wala namang Filipino player na napasama sa top five ng anumang pangunahing stats department.

Magkatabla sa No. 8 sina Andray Blatche at Jayson Castro sa scoring sa magkapareho nilang ave­rage na 16.2 points a game.

Magkasalo sa No. 1 sa scoring sina Sani Sakaki­ni ng Palestine at Amjyot Singh ng India sa magkatulad nilang 23.0 points per game kasunod si Palesti­nian Jamal Shamala (21.1), Clinton Johnson (20.6) ng Qatar, Jay Youngblood ng Lebanon, Alex Legion ng Jordan at Yi Jianlian (17.5) ng China.

Binanderahan din ni Sakakini, naglalaro sa Chinese Basketball Association, ang lahat ng players sa rebounding sa elims sa kanyang average na 13.0 per game.

Si Blatche ay No. 12 sa kanyang 8.0 per game, habang si Castro ay pumuwesto naman sa No. 11 sa kanyang 47.8-percent clip sa three-point line.

Ang No. 1  sa assists ay si Imad Qahwash (6.1) ng Palestine.

ACIRC

ALEX LEGION

AMJYOT SINGH

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG NO

ASIA CHAMPIONSHIP

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

CLINTON JOHNSON

GILAS PI

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with