FIVB member tatayong main guest sa pagbubukas ng 2015 PSL Grand Prix
MANILA, Philippines - Darating si Stav Jacobi, miyembro ng International Volleyball Federation (FIVB) executive council, para maging panauhing pandangal sa pagbubukas ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Ito ang kinumpirma ni PSL president Ramon “Tats” Suzara para sa pagiging main guest ni Jacobi ng prestihiyosong inter-club women’s volleyball league na tatampukan mga foreign players.
Magkakaroon si Jacobi, may-ari ng top European club team na Volero Zurich at chief organizer ng FIVB World Women’s Club Championship, ng isang mahalagang pahayag sa press briefing sa Oktubre 9 bago tumayong guest of honor ng PSL Grand Prix.
“Whatever his announcement is, it will surely be a big boost to Philippine volleyball in general,” wika ni Suzara, isang ranking Asian Volleyball Confederation (AVC) executive at FIVB member na nakatrabaho si Jacobi sa 2015 FIVB Volleyball Men’s World Cup sa Osaka, Japan.
Ipaparada ng Petron, sumabak sa nakaraang 2015 AVC Asian Women’s Volleyball Club Championship sa Phu Ly, Vietnam, ang mga national team mainstays na sina Aby Maraño, Dindin Manabat at Rachel Anne Daquis bukod pa kina Brazilian imports Rupia Inck Furtado at Erica Adachi.
Ang iba pang maghahamon sa two-time champions ay ang Foton, Cignal, RC Cola-Air Force, Meralco at Philips Gold.
Itatampok ng Foton ang bagong hugot na si Jaja Santiago kasama sina imports Katie Messing at Lindsay Stalzer, habang ipaparada ng Cignal si April Ross Hingpit, Rizza Mandapat at Michelle Laborte.
- Latest