OAKLAND, California — Ang pinakamaikling offseason sa Golden State Warriors history ay napuno ng mga talk show appearances, golf outings kasama ang President, award shows at worldwide travel.
Halos tatlong buwan matapos makamit ang una nilang NBA championship makaraan ang 40 taon, nagbalik sa pag-eensayo ang Warriors.
Halos lahat ng mahahalagang player ay muling nagbalik para sa darating na season at buong taon na nagamay ang sistema ni coach Steve Kerr', naniniwala ang Warriors na makakamit nilang ang ikalawang sunod na NBA crown.
Ngunit hindi ito magiging madali.
“We can't think we're going to be the same team and show up and win 67 games and win a championship,” sabi ni MVP point guard Stephen Curry. “t's not going to be easy. For us, it's about doing what we do well and doing it better.”
Naging abala si Curry matapos ang kanilang pagkakampeon.
Nilibot niya ang China, pinalawig ang bago niyang sponsorship deal sa Under Armour, dumalo sa Kid's Choice at ESPY award shows at naging bisita sa mga talk shows kagaya ng "The Late Show with Stephen Colbert."
Nagkaroon din siya ng isang special golf date sa Martha's Vineyard kasama si US President Barack Obama.
Ngayon ay balik-ensayo na ang Golden State matapos talunin si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers, 4-2, sa nakaraang NBA Finals.