^

PSN Palaro

Pacquiao maglalaro sa 2 koponan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring maglaro si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa Philippine Basketball Association at sa Asean Basketball League.

Si Pacquiao ay ang playing coach ng Mahindra (dating Kia) sa PBA at player naman ng Pacman-Powerfit Agilas sa ABL.

Maaari itong gawin ni Pacquiao habang wala pa siyang laban ngayong taon.

“Yes, boss will play se­ve­ral games,” sabi kahapon ni Agilas coach Bien Orillo sa PSA Forum sa Shakey's Malate kay Pacquiao na kasalukuyang nagpapaga­ling ng kanyang right shoulder injury matapos matalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2.

Kamakailan ay sumali si Pacquiao sa isang pick-up game na nagpatunay na naka-recover na siya sa naturang injury.

“If he’s playing for the Agilas, he will be put in the reserve list of Mahindra and vice versa,” sabi ni Orillo.

Ayon kay Orillo, hindi makikita sa aksyon si Pac­quiao sa pagharap ng Agi­las sa Saigon Heat sa Ok­tubre 29 sa Davao at sa Thailand sa Oktubre 31 sa Malaysia.

Ngunit sa Nobyembre 4 ay babandera si Pacquiao para sa Agilas kontra sa Saigon sa GenSan.

Maliban kay Pacquiao, ang iba pang mamumuno sa Agilas ay sina dating PBA star Willie Miller at imports Jamal Warren at dating University of the East import Charles Mammie.

Inaasahan ding makakapasok sa koponan sina Jondan Salvador, Val Acuña, Leo Najorda, Carlo Sharma at Nico Elorde, da­ting Ateneo standout.

ACIRC

AGILAS

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BIEN ORILLO

CARLO SHARMA

CHARLES MAMMIE

FLOYD MAYWEATHER

JAMAL WARREN

JONDAN SALVADOR

LEO NAJORDA

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with