Gilas pinatumba ang India para sa No. 1 seat sa Group E

Hinawi ni Calvin Abueva ng Gilas ang isang Indian player para makuha ang rebound. FIBA.com

CHANGSHA, China — Bagama’t pinakaba ng India sa opening period ay hindi naman nawala sa kanilang laro ang Gilas Pilipinas .

Tuluyan nang inangkin ng Nationals ang No. 1 seeding sa Group E matapos tabunan ang Indians, 99-65, sa 2015 FIBA Asia Championship kahapon di­to sa Changsha Social Work College Gymnasium.

Nag-init ang mga kamay ni scoring guard Terrence Romeo para sa kanyang 20 points sa pagpoposte ng Gilas ng kanilang pang-li­mang sunod na panalo ma­tapos ang opening-day loss sa Palestine.

Nagdagdag si natura­lized center Andray Blatche ng 15 points para sa Natio­nals na sasagupain ang No. 4 squad na Lebanon sa quarterfinals bukas.

Lumamang ang India ng limang puntos sa first quarter, ngunit hindi na ito hi­­nayaang lumaki ng Gilas Pilipinas.

Ito ay sa kanilang ginamit na pressing defense.

“Kudos to our boys for rea­l­ly putting India under pressure,” sabi ni Gilas coach Tab Baldwin.

Ang kanilang pressing defense ay nagresulta sa 15 steals, 26-6 bentahe sa puntos mula sa turnovers.

“This is where wanted to be. Now, games will be tough, all opponents will be tough. We’ll have to prepare and get ready to bring everything together and work as a team,” ani Baldwin.

Nagdagdag si Ranidel De Ocampo ng 13 points kasunod ang tig-12 mar­kers nina Jayson Castro, Calvin Abueva at Marc Pingris.

Tumipa si Vishesh Briguvanshi ng 21 points para sa India na pasok din sa quarterfinals bilang No. 4 seed mula sa Group E.

Pinitas naman ng nagde­depensang Iran ang No. 2 berth nang patumbahin ang Palestine, 94-48.

Inangkin ng Japan ang No. 3 spot nang kunin ang 89-62 panalo sa Hong Kong.

Sinabi ni Iran star Nikkhah Bahrami na kasalu­­ku­yan pa rin nilang ginagamay ang sistema ng ba­gong coach na si Dirk Bauermann.

“As you see, the new coach is really different. The ave­rage of the player is 20-23 minutes. It’s not bad, but we need to adjust,” sabi ni Bahrami sa Iran na sasagupa sa No. 3 South Korea.

Pinabulaanan ng Iranian forward ang ilang report na may sigalot sa loob ng Ira­nian federation na nag­resulta sa pagkakasibak kay Matic, gumiya sa Iran sa gold me­dal noong 2013 FIBA Asia meet sa Manila.

Gilas Pilipinas 99 – Ro­­meo 20, Blatche 15, De Ocampo 13, Castro 12, Abueva 12, Pingris 12, Hontiveros 6, Ganuelas 5, Norwood 2, Intal 2, Thoss 0, Taulava 0.

India 65 – Bhriguvanshi 21, Amritpal Singh 18, Amjyot Singh 11, Yadwinder Singh 7, Pari 5, Shinde 3, Kaushik 0, Prakash Uppar 0, Vikas Kumar 0, Arumugam 0, Gill 0.

Quarterscores: 16-17; 42-36; 65-50; 99-65.

Show comments