MANILA, Philippines – Sinimulan ng nagtatanggol sa titulong National University at ng University of Santo Tomas ang second round sa pamamagitan ng mga panalo sa 78th UAAP high school volleyball tournament sa Adamson Gym.
Nagtala ang Bullpups ng 25-18, 25-21, 21-15 panalo sa De La Salle-Zobel , habang pinatumba ng Junior Tigresses ang UP Integrated School, 25-14, 25-10, 25-15.
Nagsosyo sa liderato ang NU at UST sa kanilang magmagkatulad na 6-1 record para palakasin ang tsansa sa Final Four.
Nalaglag naman ang La Salle-Zobel sa ikatlong puwesto sa kanilang 5-3 marka.
Samantala, binigo ng University of the East ang UPIS, 25-11, 25-6, 25-15, para sa kanilang 4-4 baraha kasunod ang Adamson at FEU na may magkaparehong 3-5 kartada.